Nag-iba na ang anyo ng gabi.
Nanatili tayong gising,
at hinahayaan sa limot
ang mga ayaw at gusto natin.
Habang intintawid sa dagat ang mga boses natin
nilisan na rin natin ang dati nating mga pangarap
Sa gitna ng lahat ng pangyayari
at ilang ulit na bigkas ng iba't ibang pambungad
at ilang beses kang napahiya
kapantay ng mga sandaling nagpakumbaba
sa kawalan ng gunita
sa dinamidami ng natanggap nating hinaing
sa pera ng iba na bibilangin natin,
nanatili tayong gising.
Ngunit tulad ng mga nalagay sa tahimik,
(at mababaw ang pagkakabaon)
madaling makatakas ang mga bulong:
Ano nga ba dapat ang ginagawa natin ngayong gabi?
Sumasagalit, pumapaminsan-minsan
ang sentimyento na ngayong gabi'y
nagisisilbing panaginip.
Nagiiba ang anyo ng gabi.
Na parang nangangako,
magbabago lang ito muli
sa hindi mo akalain ay
katanggap-tanggap.
No comments:
Post a Comment