Thursday, July 18, 2019

Undelivered Birthday Greeting


Nagsisiumla ang lahat sa bahay. Hindi gumamit ng maraming salita ang aming mga magulang, natuto kaming magkakapatid na hinding-hindi maglamangan. Lumaki kami na nagtutulungan. Paglabas ng bahay, itinuturing natin ang ating kapwa bilang aming kaptid.

70 taon gulang na si Mama ngayon, pero tuloy-tuloy parin ang paghahanapbuhay niya. 26 years siya nanilbihan sa PLDT bilang supervisor, at pagkatapos bilang may-ari ng tindahan, habang nag-aalaga ng kanyang tatlong mababait ng anak. Si Papa ay masigasig naglilingkod sa aming barangay, pagkatapos maging negosyante ng ilang dekada. Kapag napapagod ako sa pagtatrabaho, tinatanong ko sa sarili kung san nakukuha ng mga magulang ko ang walang-hanggang sipag nila. Kung mamana ko ang kahit kalahati ng kanilang kasipagan, ako na siguro ang pinakampalad.

Sinulat ni St. Jose Maria Escriva,

 “Persevere in the exact fulfillment of the obligations of the moment. That work – humble, monotonous, small – is prayer expressed in action that prepares you to receive the grace of other work – great and wide and deep – of which you dream.”

Naisip ko na napakasipag siguro ng aking mga magulang dahil ang pagtatrabaho ay isang uri ng pagdarasal. Gaano man kaliit, ang trabaho na alay mo sa iyong kapwa ay alay mo rin sa Diyos. Ito ang katuparan ng iyong pangarap.

Huli sa lahat, alam naman ng lahat na si Mama ay madalas na fashionably late. Sabi sa isa sa mga paborito na libro, "You can't hurry a beautiful lady." Ano nga naman bang maganda ang naidulot ng pagmamadali? Dadating at dadating din tayo diyan.

Huwag kang magmadali. Huwag kang manlamang. Hilingin natin para sa ating kapwa ang anumang hingin natin para sa ating sarili. Sipagan mo pa dahil yan ang iyong panalangin. At angkinin mo, angkinin mo ang iyong mga pangarap. Ialay mo ito sa iba.

No comments:

Post a Comment