Limang taon na ang nakalilipas mula ng tumapak kami sa loob ng tanghalan. Madalas, dati, bilang magkasintahan, malikhain ang mga gabi namin sa pagpanood ng mga dula, pagtanghal, pelikula, at sayaw. Hanggang sa pinayaman at inubos ang oras namin ng pagiging magulang. Hanggang muli naming panonood ang iyong dula sa eskwela.
“Sumabay ang puso ko sa paglundag,” sinabi mo. My heart skipped along. Isa ka sa mga ibon na umawit ng “Tignan mo, tignan mo, galing ko at talento. Di ko akalain na meron akong, natatanging lakas.” Akmang akma at napapanahon ang mga linya ng isang dula na umikot sa temang bullying.
Hindi naman drama ang palabas, pero tuloy tuloy ang tahimik ko na pagluha sa galak – lalo na kung paano pumusisyon ang pagkilos ng dula kasama ang mga ka-eskwela mo na iba ang abilidad (dating tinatawag na may kapansanan). Hindi rin bilang bida ang pagganap mo, pero mukha namang natural ang paggalaw mo sa ilalim ng ilaw.
Meron din mga hiwaga na malinaw na sa amin ngayon. Tulad ng ligaya bilang magulang. Tulad ng buong puso naming pagmamahal sayo at higit pa.
At hindi lang ikaw ang nagsayaw ngayong gabi. Habang nasa entablado ka, sumabay din ang munti mong kapatid, hinahabi sa sinapupunan.
No comments:
Post a Comment