Biyernes ng hapon, at may pagkakataon na dumungaw sa bintana para panoorin ang paglubog ng araw. Kung saan sinabi ng gusali sa kapwa niya gusali, "pahinga tayo."
Ipinaliwanag ko sa iyo kung ano ang photosynthesis, ang kahalagahan at proseso, ang kahalagahan ng detalye. Muli ko din natuklasan ang tunay na may kahulugan, kung ano lang talaga ang ating kailangan.
Limang taong gulang na si IƱigo at ambisyon niyang palitan si Rizal bilang pambansang bayani. Hangarin niyang ayusin ang mga sirang tren sa Pilipinas at ipadala ang mga bata sa mahusay na eskwela. Tinawanan namin siya pero tunay ang aming ligaya. Nagdiwang kami ng kanyang kaarawan kasama ang mga klasmeyt niya, na nagsalo sa keyk na may temang mula sa paborito niyang "Where the Wild Things Are."
Sa gabi ng kanyang ika-5 kaarawan, nakatulog si I. na walang hapunan, tulad ni Max as kwentong "Where the Wild Things Are." Ilang beses namin siyang sinubukan gisingin para kumain, pero napakahimbing ng kanyang pagtulog. Napansin namin na tumatawa siya't ngumingiti. Nakabilang ako ng tatlong pagkakataon na tumatawa siya habang tulog. Isang klase ng ngiti at tawa na ikinatuwa namin kung ano man kanyang paniginip. Naalala ko din na hangganan ang kanyang paghagikgik nung Sabado at Linggo, habang naliligo sa dagat! Napaginipan niya din kaya ang mga alon na humalik sa buhangin? Naging malikhain kaya ang kanyang pag-iisip at tulad ni Max, sumakay sa maliit na barko, naging hari ng wild things, at nag-"rumpus"?
Sa gabi ng kanyang ika-5 kaarawan, natulog si I. na higit sa labing-tatlong oras.